top of page

WORLD HUMANITARIAN DAY CELEBRATED AT THE PEOPLE’S PALACE



Dinaluhan ng mga opisyal at ng mga volunteers mula sa iba’t ibang organisasyon ang selebrasyon ng World Humanitarian Day kasabay ng Launch of the Peace Action Network na siyang isinagawa sa People’s Palace Lobby, ngayong araw, August 22, 2023.


Ibinida ng iba’t ibang organisasyon ang kanilang mga naging hakbang at patuloy na mga isinasagawang proyekto para sa mga mamamayan, lalong-lalo na sa Mindanao at sa Bangsamoro Region.


Ilan sa mga ito ay ang United Nation World Food Programme, Plan International, Australian Aid, The United Nations Children's Fund (UNICEF), UNFPA Philippines, Action Against Hunger, Humanity & Inclusion, Community Organizers Multiversity, at Assistance and Cooperation for Community Resilience and Development, Inc (ACCORD).



Ayon naman kay Mayor Para sa Lahat Mohammad Ali “Bruce” dela Cruz Matabalao sa kaniyang ipinahayag na mensahe, makakamit lamang natin ang totoong pag-ahon at kaunlaran kung tayo-tayomismo ay magtutulungan.


Pagkain, tubig, tirahan, at ligtas na komunidad ang maituturing na pangunahing pangangailangan ng bawat indibidwal upang mabuhay at mabigyan ng pagkakataon ang lahat na maging produktibong miyembro ng bayan.


Dagdag pa nito, ang bilang ng mga nagkakawanggawa ay mas lalong dumarami dahil sa mga krisis na kinaharap at kasalukuyang nilalabanan ng bayan tulad ng COVID-19, Climate Change, poverty, hunger, flooding at patuloy na pagtaas ng displacement ng iba’t ibang komunidad. Binibigyang pugay nito ang mga volunteers at organizations sa patuloy na paghatid ng tulong sa mga nangangailngan.


Nagpahatid din ito ng mensahe sa mga kabataang volunteers na manghikayat pa at magsagawa ng programa na naglalayong makakuha ng mas maraming magkawanggawa upang mas mapalakas pa ang pagtutulungan ng mga Cotabateños.



6 views0 comments

Comments


bottom of page