top of page

VOLUNTEER RECOGNITION DAY OF RED CROSS, COTABATO CITY-MAGUINDANAO CHAPTER


Isinagawa ng Red Cross Cotabato City – Maguindanao Chapter ang Volunteer Recognition Day na may temang “Solidarity through Volunteering” Nung ika May 13, 2023, sa D&M Catering Services, Lungsod ng Cotabato.


Ayon naman kay Mayor Para sa Lahat at member of Board of Governors of Red Cross Mohammad Ali “Bruce” Dela Cruz Matabalao na siyang inihatid ni Gleen Bagani, Executive Assistant ng alkalde, nagpapasalamat ito sa mga kusang tumutulong sa lungsod, lalo na sa mga mapapanganib na sitwasyon.


Dagdag pa ng alkalde, maghahatid ito ng suporta sa abot ng kaniyang makakaya, lalong-lalo na sa vulnerable community ng ating pinakamamahal na lungsod. Naging sentro naman ng kaniyang mensahe ang mga naihatid na assistance ng Red Cross sa panahon na umiiral pa pandemiya sa Lungsod ng Cotabato.


Nararapat lamang na sila ay bigyan ng parangal at pagkilala dahil sa kontribusyon ng mga volunteers sa ating komunidad. Mga buhay na kanilang nabago dahil sa inisyatibong kanilang ipinapamalas at angking katapangan, masagip lamang ang kanilang mga kababayang nangangailangan.

1 view0 comments

Comments


bottom of page