top of page

TWO-DAY DIALOGUE OF 37 BARANGAY CHAIRPERSON AND TREASURERS ON FINANCIAL TRANSACTIONS



Nagsama-sama ang mga barangay chairperson at treasurer ng bawat 37 barangays para sa 2-day Dialogue pertaining to financial transactions of Cotabato City ngayong araw, May 9, 2023 sa Golden Lace, Cotabato City.


Pinangunahan ito ni City Mayor Representative, Atty. Nes Biruar Lidasan, City Accountant, Primitivo Glimada Jr. CPA, at City Planning and Development Officer, Maria Adela Fiesta.


Tungkulin nilang ipagbigay alam sa mga opisyal ang tamang proseso ng financial transactions sa mga barangay na kanilang nasasakupan.


Maliban pa rito, ipinapaliwanag din kung papaano hinahati ang budget para kanilang mas mapaunlad ang katayuan ng kanilang mga barangay. Sa pamamagitan nito, magkakaroon ng maayos at malinaw na transaksyon mula sa taas hanggang sa mababang sangay ng gobyerno.


Nakatutok naman ang mga opisyal ng bawat barangay upang masiguro na kanilang masunod ang mga mandato at tamang pamamaraan ng pagsasaayos ng pera sa kanilang pinamumunuang barangay.


1 view0 comments

Comentarios


bottom of page