Opisyal na naiturn-over ng Land Bank of the Philippines ang kanilang Gold Sponsorship na nagkakahalaga ng 100,000 pesos para sa pagdiriwang ng 64th Araw ng Cotabato na siyang isinagawa sa People’s Palace, Rosary Heights 10, Cotabato City.
Pinapangunahan ito nina Virgilio A. Deloria, Branch Manager of LBP City Hall at Julius Apara, North Cotbatao Lending Center. Nagpapasalamat naman si Mayor Para sa Lahat Mohammad Ali “Bruce” dela Cruz Matabalao sa donasyong ibinigay ng LBP sa Cotabato City Government.
Nang dahil sa mga sponsors ng 64th Araw ng Cotabato, ay mas nagkaroon ng kakayahan ang Cotabato City Government ng engrandeng selebrasyon na siyang natamasa ng mga Cotabatenos. Ito pa lang ang simula ng pagbabago sa lungsod at susumikapin ng administrasyong para sa lahat na maramdaman ng bawat Cotabateno ang serbisyo ng kasalukuyang administrasyon.
תגובות