top of page

TURNOVER OF DRONES TO THE INTER-AGENCY TASK FORCE KUTAWATO


Ipinagkaloob ni Mayor Para sa Lahat Bruce Matabalao ang apat na drones sa Cotabato City Police Office (CCPO) at Naval Task Unit (NTU) Na siya namang tinanggap nina CCPO Director PCOL Querubin Manalang, Jr. at NTU Commander Col Zaldy Dioneda PN(M) GSC noong, ika-12 ng Oktubre sa People’s Palace.


Ang mga drones ay gagamitin para sa mga operasyon ng CCPO at NTU bilang bahagi ng Inter-agency Task Force Kutawato. Ito ay magbibigay ng dagdag na suporta sa kanilang mga gawain para sa seguridad at kaayusan ng komunidad.


Ang pagkakaloob ni Mayor Bruce Matabalao ng dalawang drones ay naglalayong palakasin ang kakayahan ng IATFK sa pagtugon sa mga suliraning pang-seguridad sa lungsod at gamitin ito bilang epektibong paraan ng pagmamatyag at pagsusuri sa mga kritikal na sitwasyon.


Ang Inter-agency Task Force Kutawato ay binubuo ng iba't ibang ahensya ng gobyerno na nagtutulungan para mapanatili ang kaayusan at kaligtasan sa Cotabato City.

2 views0 comments

Comments


bottom of page