top of page
  • Writer's pictureAdmin

TURNOVER CEREMONY OF MEDICAL FINANCIAL ASSISTANCE TO BHW FROM MP GAYAK


Naisakatuparan na ang pamimigay ng Medical Financial Assistance para sa mga Barangay Healthcare Workers at mga Barangay Nutrition Scholars mula sa opisina ni Member of Parliament (MP) Abdullah E. Gayak ngayong araw, November 14, 2023 sa People’s Palace, Cotabato City.


Nagkakahalaga ito ng PhP 3,000 na siyang natanggap ng mga BHW tungo sa kooperasyon ng Ministry of Health (MOH), Integrated Provincial Health Offices, City Health Offices, Special Geographic Areas Field Health Office, mga ospital, private health care providers, local government units, at ilang mga volunteers.


Sa mensaheng hatid ni Mayor Para sa Lahat Mohammad Ali “Bruce” dela Cruz Matabalao na siyang isiniwalat ni Atty. Nes Hashim Biruar Lidasan, ang pasasalamat na ito ay kailanman hindi mapapantayan ang lahat ng kanilang naitulong para sa mamamayan ng lungsod.


Iilan pa lamang ang mga nakatanggap at inaaasahan pang magpapatuloy ito. Layunin ng nasabing inisyatibo na mapasalamatan ang lahat ng tumulong sa mamamayan ng lungsod sa panahon ng krisis tulad ng dumaan na COVID-19 pandemic.

4 views0 comments
bottom of page