top of page

TURN-OVER CEREMONY OF SIX 4-STOREY BUILDING OF COTABATO CITY SENIOR HIGHSCHOOL - STAND ALONE


Isinagawa ngayong araw, April 4, 2023 ang turn-over ceremony ng anim (6) na 4-storey building para sa bagong Cotabato City Senior Highschool – Stand Alone na siyang ginanap sa Citymall Convention Hall, Gov. Gutierrez Avenue, Cotabato City.


Ayon kay Schools Division Superintendent Concepcion F. Balawag, PhD CESO V, ang eskwelahang ito ay naging posible lamang dahil sa pagsusumikap ng lahat ng may dedikasyon sa pagpapayaman ng edukasyon sa lungsod. Ibinahagi rin nito na ito ang pinakamalaking stand alone senior high school sa mundo na may sukat na 2.5 hectares at mayroong higit sa 120 classrooms na mapapakinabangan ng mga batang Bangsamoro.


Sa mensaheng ipinaabot naman ni Minister of Ministry of Basic, Higher and Technical Education (MBHTE) Hon. Mohagher Iqbal, naisakatuparan dahil sa kanilang pakikipaglaban na mabuo ang Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) sa kongreso kasama ang dating Congresswoman Bai Sandra Sema. Ngayon, nasa kanilang kamay na ang kakayahang maisaayos ang mga kakulangan sa larangan ng edukasyon sa buong BARMM.


Ayon naman kay Mayor Para sa Lahat Mohammad Ali “Bruce” Dela Cruz Matabalao na siyang inihatid ni City Councilor Florante “Popoy” Formento bilang kinatawan ng alkalde, “Education is not in my heart, it is my heart”. Aniya, hinding-hindi magsasawa ang alkalde sa pagsuporta sa edukasyon dahil batid nito ang epekto at kahalagahan ng mataas na kalidad ng edukasyon sa buhay ng mamamayan at para sa ikauunlad ng siyudad.

4 views0 comments

Comments


bottom of page