top of page
  • Writer's pictureAdmin

TRADE FAIR PARA SA LAHAT


Pormal nang binuksan sa People’s Palace Ground ang Trade Fair Para sa Lahat na pinangunahan ni Mayor Para sa Lahat Bruce Matabalao kasabay ng pagdiriwang ng BARMM Athletic Association at 64th Araw ng Cotabato.


Tampok sa naturang aktibidad na pinangasiwaan ni Senior Trade and Investments Officer Mary Grace Sambo ang mga booth kung saan sumali and 23 micro, small at medium enterprises o MSMEs, 15 dito ay pawang food product producers at 8 naman ang non-food products.


Sinabi ni Mayor Matabalao sa kanyang mensahe, “Handa akong tumulong para sa ikauunlad ng Cotabato City.


Kailangan maipakilala at maibenta ang mga produkto na gawa ng ating mga kapwa Cotabatenos at suportahan natin ang local na produkto ng lungsod.”

Samantala, Trade Fair ay bukas hanggang sa May 31.



2 views0 comments
bottom of page