Agarang tulong ang ipinaabot ni Mayor Para sa Lahat Bruce Matabalao sa 67 households na naapektuhan ng sunog kagabi sa Barangay Mother Bagua.
Katuwang ang City Health Office, Office of Social Welfare and Development Services, City Disaster Risk Reduction Management Office at Public Safety Office, bibigyan ng tulong tulad ng mga pagkain, gamot, at iba pang mahahalagang kinakailangan sa pang-araw-araw ang mga apektado ng sunog.
Comments