top of page

TAKBO PARA SA LAHAT FOR THE 64TH ARAW NG COTABATO


Bago pa man sumikat ang araw, sinimulan noong June 17, 2023 ang Takbo Para sa Lahat. Isa itong aktibidad kung saan, ang bawat indibidwal ay tatakbo ng lima o sampung kilometro sa kahabaan ng Sinsuat Avenue, sa Lungsod ng Cotabato.


Nagsimula ang ruta mula sa Cotabato City Plaza para sa 5km at 10km. Ang turning point para sa 5km ay nasa Mang Gorio bilang landmark pabalik ng City Plaza. Para naman sa 10km ay nasa Citi Hardware sa Tamontaka, pabalik ng Cotabato City Plaza.


Nakapaghanda naman ang Cotabato City Government para sa kahit ano mang klase ng emergency, ay masisigurado ang kaligtasan ng bawat indibidwal.


Sa bawat kilometro, ay naririyan ang hydration booths at medical assistance booths nang sagayon ay maantabayanan ang kanilang pangangailangan.

Bakas naman ang tuwa sa mga ngiti ng mga tumakbo pagdating sa finish line. Nakatanggap ng 10,000 pesos ang unang nakarating sa finish line para sa male and female categories sa 10km route. 5,000 pesos naman sa ikalawa at 2,000 sa ikatlong puwesto. Para naman sa 5km route, 5,000 pesos for both male and female categories sa first place, 2,500 sa second place at 1,000 para sa third place.

1 view0 comments

Comentários


bottom of page