Ibinida ng Cotabato City Galing Pook Team ang Banner Program nitong Super City sa pangalawang araw ng Galing Pook Governance Fair on Local Economic Development sa Microtel, UPTechnohub, Quezon City.
Ang Super City ay isang visionary new integrated Cotabato Business District sa gitna ng Bangsamoro Region - a city within the city.
Ito ay isang revolutionary, self-sustaining smart community, redefining the Crown Jewel. Ito ay idedesenyo bilang first super city sa BARMM na naglalayong bumuo ng isang internasyonal na komunidad na may komersyal o tirahan, conventions, healthcare facilities, sports centers, turismo, edukasyon at mga sentro ng palakasan - isang tunay na BARMM metropolis.
Inaasam na ang gagawing lokasyon ng Super City ay ang Barangay Kalangan 2 dahil ito ay nagsisimula nang ituring bilang isang ecozone. Sa halos 35 ektarya ng lupain, maraming oportunidad para sa investments ang nakikita sa lugar sapagkat naroon ang lokasyon ng Halal Compound, New Terminal, New Public Market, Sultan Hassanal Bolkiah Mosque, Housing Projects at iba pa.
Sa pangalawang araw ng Governance Fair, ipinakita rin ng iba't ibang sektor ang kanilang mga programa at produkto sa mga booth exhibit. Dumalo rin ang sampu pang LGUs upang ipakilala ang mga lokal na produkto.
Comments