Matagumpay na naisagawa ngayong araw, July 25, 2023 ang State of the City Address ni Mayor Para sa Lahat Mohammad Ali “Bruce” dela Cruz Matabalao sa People’s Palace Lobby, na siyang dinaluhan ng mga opisyal mula sa Bangsamoro Government, members ng 17th Sangguniang Panlungsod, sa ilalim ng pamumuno ni Vice Mayor Johari “Butch” Abu.
Ibinida ng alkalde ang mga nakamit nito sa loob ng isang taon na mas higit pa sa kaniyang ipinangako noong eleksyon.. iilan dito ay ang increased tax collection, increased business registration, housing projects, traffic lights with CCTV, first Rido Settlement, New Cotabato City Sports Plaza, Online Business Permit and Licensing System.
Maliban pa rito, pinasasalamatan niya ang buong 17th Sangguniang Panlungsod dahil sa kooperasyon nito kaya’t mas napabilis ang mga proyekto para sa lahat. Ganoon din ang kaniyang nagging sentimiyento sa mga kawani ng Cotabato City Government dahil sa dedikasyon ng mga ito na makapaglingkod ng tapat, matiwasay, at epektibong serbisyo publiko para sa Cotabato City.
Sa mga susunod pang taon, ating asahan na mas hihigitan pa ito ng administrasyong Para sa Lahat.
Dahil ang administrasyong ito ay naghahatid ng serbisyo-publiko na sinisiguradong walang pinipili, walang hinahadlangan, at walang sinusukuan basta para sa bayan
Comments