Nakasentro ang isinagawang seminar kahapon, August 23, 2023 sa Republic Act 9003 at Department of Interior and Local Government (DILG) Circular No. 2001-38 na siyang ginanap sa Glamour Convention Hall sa pangunguna ng City Environment and Natural Resources Office (CENRO) sa pamumuno ni CENRO Officer Engr. Crisanto B. Saavedra.
Pinondohan ng European Union ang EU SWM-CE project o ang European Union Solid Waste Management-Circular Economy na naglalayong hanapan ng solusyon at magbigay ng alternatibo sa mga plastic waste sa Cotabato City.
Layunin din ng nasabing kaganapan na ilahad kung ano ang mga gampanin ng bawat miyembro ng BESWMC o ang Barangay Ecological and Solid Waste Management Council na siyang mabubuo sa mga target barangays sa loob ng Lungsod ng Cotabato.
Ang pagkakaroon ng kaalaman hinggil sa tamang pagtapon ng mga basura ay hindi lamang para sa ating inang kalikasan ngunit para na rin sa ating kaligtasan. Ang malinis na kapaligiran ang nagreresulta sa mas mababang tsansa ng pagbaha, mas malusog na komunidad, at mas kaaya-ayang tanawin, hindi lamang sa mga residente, kundi pati na rin sa mga nais bumisita sa Cotabato City.
Comments