binahagi na ang pondo mula sa Approved 2022 Socio Civic Project Funds para sa mga barangay officials ng Lungsod ng Cotabato ngayong araw, April 13, 2023 na siyang ipinamahagi sa City Treasury Office ng Cotabato City.
Pinangunahan ito ni City Treasury Officer Teddy U. Inta, MPA na siyang pinasinayaan ni Mayor Para sa Lahat Mohammad Ali “Bruce” Dela Cruz Matabalao. Kasama rito ang ilang barangay captains ng 37 barangays ng Lungsod ng Cotabato. Bakas naman sa kanilang mga ngiti ang ligaya at pasasalamat ng mga opisyal ng bawat barangay.
Ayon naman kay Mayor Para sa Lahat Matabalao, ang pondong ito ay simpleng pasasalamat lamang ng gobyerno sa paghahatid ng mga barangay officials ng kanilang serbisyo, lalo na’t mas nakakaharap nila ang ating mga kababayan pagdating sa pamimigay ng tulong at pagresolba ng suliranin ng kanilang mga nasasakupan.
Comments