Matapos buksan ang satellite office ni Vice President Sara Duterte-Carpio noong nakaraang buwan, inilunsad naman kahapon, July 6, 2023 ang Entrepreneurial Mindsetting and Financial Management Seminar sa Social Hall, People's Palace, Cotabato City.
"Magnegosyo ta 'Day" ang programa ni VP Sara na siyang sinusuportahan nang naturang seminar. Pinasinayaan ito ng mga opisyal ng Negosyo Center ng Cotabato City Government katuwang si Secretary of the City Mayor Guianodin Abdillah.
Ipagpapatuloy ang naturang seminar sa Training Room ng Negosyo Center. Layunin ng naturang programa na maturuan ang mga Cotabateños sa tamang pamamaraan ng pagnenegosyo na siyang makatutulong sa kanilang pang-araw-araw na pangangailangan at kalaunan ay pag-unlad.
Comments