Dagdag kagamitan sa silid-aralan ang natanggap ng mga Daycare Center Teachers ng Cotabato City na siyang inihandog ng Ministry of Social Services and Development (MSSD) ,sa People’s Palace Cotabato City.
Kasabay ito sa isinagawang programa ng Ministry of Basic, Higher and technical Education (MBHTE) sa pangangasiwa ni Head of School’s Division of Cotabato City Dr. Concepcion Balawag, CESO IV, ang pagbubukas ng Division of Talent, Skills and Festival.
Ang pagkakasabay ng dalawang programa ay patunay lamang na may iisang adhikain ang Bangsamoro Government at Cotabato City, ito ay ang mabigyan ng pagkakataon ang bawat kabataan na makapag-aral na may magandang kalidad ng edukasyon, nang sagayon ay kanilang makamit ang kanilang mga pangarap para sa kanilang sarili at mga mahal sa buhay.
Comments