top of page

ROSARY HEIGHTS I RECOGNIZED AS THE FIRST BARANGAY TO HAVE A ZERO OPEN DEFECATION IN COTABATO CITY


Ginawaran ng parangal ang Barangay Rosary Heights 1 ng Zero Open Defecation (ZOD) GI status mula sa Department of Health na siyang isingawa sa PC Hill Elementary School, Zone III PC Hill, Cotabato City Noong, August 4, 2023.






Tinanggap naman ng Acting Barangay Chairman of Rosary Heights I Rodrigo A. Aviles ang parangal na siyang iginawad ni Atty. Nes Hashim Biruar Lidasan bilang kinatawan ni Mayor Para sa Lahat Mohammad Ali “Bruce” dela Cruz Matabalao.







Ayon pa sa alkalde, ang pagbibigay ng parangal sa kanilang barangay ay hindi lamang para sa serbisyo ng mga barangay officials kundi para na rin sa kooperasyon at aktibong partisipasyon ng mga Cotabatenos sa Rosary Heights I.

Dagdag pa nito, nawa’y hindi rito nagtatapos ang pagsusumikap ng kanilang barangay upang magsilbing ehemplo sa bawat mamamayan ng lungsod, kundi magsilbing simula sa kung papaano nararapat pangalagaan ang ating kapaligiran, alang-alang sa kinabukasan ng ating mga kabataan.



Ang Zero Open Defecation (ZOD) ay isa sa mga aksyon ng bansa upang puksain ang mga sakit na nakukuha mula sa dumi ng tao na siyang napupunta sa mga waterways at lupa kung saan madalas itong naiimbak. Sa ganitong pamamaraan, mas masisiguro ang kaligtasan ng bawat Pilipino laban sa malulubhang sakit tulad ng diarrhea, worm infections at stunted o undernourished na mga kabataan.



3 views0 comments

Comments


bottom of page