Dumalo si Mayor Para sa Lahat Mohammad Ali "Bruce" dela Cruz Matabalao sa isinagawang Resilience Reimagined: Beyond the Boundaries of Tradition na siyang tumatalakay kung papaano bibigyan ng solusyon ng bawat lungsod ng Pilipinas ang problema sa climate change o pabago-bagong panahon.
Naisakatuparan ito sa tulong ng Catholic Relief Services katuwang ang Conservation International (CI), Philippine Disaster Resilience Foundation (PDRF), at Rocky Mountain Institute. Kabilang sa napag-usapan ay ang benepisyong hatid ng pagtatanim ng bakawan at pag-aalaga ng ating mga kagubatan.
Dahil sa geographic area ng Cotabato City na napapaligiran ng ilog at ng mga kabundukan, bulnerable ang lungsod sa mga biglaang pag-ulan na nagreresulta sa mabilisang pagbaha. Kung kaya't sinadya ito ng alkalde upang mapanatiling ligtas ang bawat Cotabateños sa kahit ano mang sakuna.
Comentarios