Nagsagawa ng Relief Operation ang City Disaster Risk Reduction and Management Office ng lungsod (CDRRMO) at Office of the Social Welfare and Development (OSWD) para sa mga nabiktima ng sunog mula sa Manday, Mother Bagua, Cotabato City ngayong araw, April 12, 2023
Sa kabuuan, ang natulungan nila ay 25 indibidwal at 18 mga pamilya. Ilan sa kanilang mga ibinahagi ay kulambo, bedsheet, banig, kutsara, plato, sardinas, kalan at kaldero upang maibsan man lang ang hirap na kanilang nararanasan.
Patuloy pa rin ang paalala ng Cotabato City Government sa mga Cotabatenos na mas maging maingat lalo na sa panahon ngayon na mas mainit ang kapaligiran na nagbibigay ng mas mataas na tyansa na magkasunog.
Comments