top of page

PROVINCIAL DAVAO DEL NORTE DONATES PHP1 MILLION TO COTABATO CITY FOR REHABILITATION AND RECOVERY OF


Pormal nang itinurn over ng Provincial Government of Davao del Norte sa pangunguna ni Provincial Disaster Risk Reduction and Management Office (PDRRMO) Head Glenda Deli-Deli kay Mayor Para sa Lahat Bruce Matabalao ang isang milyong pisong pondo sa City Government of Cotabato upang ilaan sa Rehabilitation and Recovery ng mga biktima ng Bagyong Paeng.


Kasama ni PDRRMO Chief Delideli sina Administrative Officer IV Melvin Roy Javier kasapi ang ibang Administrative Office Staff na sina Ejay Capoy, Ryan Omila at Argie Montejo.


Taos-pusong pasasalamat naman ang ipinaabot ni Mayor Matabalao sa probinsyan ng Davao del Norte sa liderato ni Governor Edwin I. Jubahib sa tulong na ibinigay nito sa lungsod at sinabi na kahit kailan ay bukas palad ang probinisya para magbigay ng tulong sa mga kababayan nitong nabibiktima ng anumang uri ng trahedya.


“Anuman ang pagsubok na sumalubong sa atin, nananatiling matatag ang ating pananalig at nakita natin agad na ang Cotabato City ay nakabangon agad,” ani ni Mayor Matabalao.


Kasama rin sa Courtesy Visit ng DavNor ang BARMM Ministry of Social Welfare and Development (MSSD) sa pangunguna ni MSSD-DRMD Chief Hasim Guiamil. Ayon kay Chief Guiamil, magdagdag pa ang MSSD ng relief supplies para sa mga Cotabateños na naapektuhan ng Bagyong Paeng.


"Puno tayo ng pasasalamat sa Bangsamoro Government na laging nandiyan - may calamity o wala. Grabe ang outpouring of support and assistance from the regional government. Hindi natin kakayanin ito sa LGUs ng Cotabato kung hindi nila tayo tinulungan," bigay diin ni Mayor Matabalao.


Ayon naman kay Asrap Abubakar, Officer-in-Charge ng Office of Social Welfare and Development Services (OSWDS), ang isang milyong binigay ng DavNor ay isasama sa pondo ng Cash-for-Work program ng OSWDS.

Ang cash-for-work program ng OSWDS ay isang short term intervention na layuning magbigay ng temporary employment sa mga indibidwal na naapektuhan ng trahedya.


Ang beneficiaries ay pwedeng magbigay ng oras pagdating sa environmental protection and preservation, gaya ng tree planting at coastal cleanup.

Bukod diyan, pwede rin sa food security intervention, katulad ng communal gardening, agricultural production at marami pang iba.


3 views0 comments

Comments


bottom of page