Naghatid ng serbisyong medikal kahapon ang Mobile Clinic ng Project TABANG ni Chief Minister of the Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao Hon. Murad Ebrahim sa People's Palace, Cotabato City.
Nakapaloob dito ang isang X-ray machine na maaaring gamitin ng mga mamamayang Bangsamoro, lalong lalo na sa mga nangangailangan nito. Isa ito sa mga hakbang ng gobyernong Bangsamoro na mas maging accessible sa mga mamamayan ang kanilang tulong at serbisyo.
Malaki naman ang pasasalamat ni Mayor Para sa Lahat Mohammad Ali "Bruce" Dela Cruz Matabalao sa inihandog na tulong ng Bangsamoro Government na siyang nagkataong sumabay sa selebrasyon ng 64th Araw ng Cotabato.
Comments