top of page

PEOPLE’S PALACE OF COTABATO CITY CELEBRATES EARTH DAY 2023


Pagbibida ng mga lokal na produkto, paligsahan para sa kabataan at pagpapalaganap ng kaalaman patungkol sa mga hakbang ng Cotabato City Government ang siyang naging sentro ng pagdiriwang ng Earth Day 2023 ngayong araw, ika-17 sa buwan ng Abril na may temang “Invest in our Planet”.



Ayon naman kay City Administrator Atty. Aelan B. Arumpac, isa sa mga layunin ng Lungsod ng Cotabato ay maipaalam sa ating mga kababayan ang mga proyekto ng Cotabato City Government para sa pangangalaga at patuloy na pagpapahalaga sa ating kalikasan. Aniya, nararapat lamang na ating bigyan ng respeto ang ating planeta dahil dito tayo kumuha ng ating mga pangangailangan, mula sa pagkain na bumubuhay sa atin hanggang sa tubig na pumapawi sa ating uhaw sa mainit na panahon.


Si City Environment and Natural Resources Officer Engr. Crisanto B. Saavedra naman ang nagbigay linaw sa mga Cotabateno patungkol sa mga proyekto ng lungsod, partikular na ang solid waste management ng lungsod. Dahil sa patuloy na pag-unlad ng Cotabato City, kaakibat nito ang pagdami ng tao at pagdami ng basura ng lungsod, kung kaya’t sila ay bumuo ng isang mas epektibong sistema na hihikayat sa ating mga kababayan na mas maging responsable sa ating mga kalat. Aniya, makakamit lamang ang isang malinis at magandang Cotabato kung tayo ay magtutulungan.


Naroroon din ang ilan sa mga local businesses ng Cotabato City kasabay ng Cotabato City Agripreneurs na naglalayong makilala ng mga Cotabateno ang mga lokal na produkto ng ating lungsod. Mula sa matatamis na prutas at masustansiyang gulay hanggang sa mga masasarap na iba’t ibang klase ng pagkain ang ibinida sa People’s Palace Lobby na siya namang pinagkagaluhan ng mag mamamayang dumalo sa nasabing selebrasyon.



2 views0 comments

Comments


bottom of page