top of page

PAGPAPALAGANAP NG KASIYAHAN AT PAGMAMAHAL, SENTRO SA PROGRAMA PARA SA BAHAY MARIA



COTABATO CITY - Bilang panimula sa pagdiriwang ng 2024 Women's Month Celebration, isinagawa ang pagbibigay ng tulong sa mga Senior Citizens at Person's With Disabilities (PWDs) noong Martes, ika-5 sa buwan ng Marso, taong kasalukuyan sa Cotabato Bahay Maria Foundation Incorporated.


Bakas sa mga mukha nito ang saya di dahil lamang sa mga natanggap na regalo, kundi maging ang pagmamahal na ipinakita at ipinaramdam sa kanila ng mga butihing puso na humandog sa kanila ng tulong.


Hindi lamang ito pag-aabot ng tulong kundi ang pagpaparamdam sa kanila na kahit ano man ang edad o kasalukuyang katayuan sa buhay, sila ay nananatiling mahalaga at nasa puso ng bawat mamamayan ng lungsod.




1 view0 comments
bottom of page