top of page

PAGBUBUKAS NG BLACK SCOOP CAFE, DINALUHAN NI MAYOR PARA SA LAHAT MATABALAO!



COTABATO CITY -- Patuloy ang nangyayaring pagsibol ng ekonomiya ng Lungsod ng Cotabato matapos dinaluhan ni Mayor Para sa Lahat Bruce Matabalao ang isinagawang pagbubukas ng Black Scoop Cafe sa ABSTY Building, Rosary Heights 6, Sinsuat Avenue.


Sa mensaheng ipinabatid ng alkalde, lubos nitong kinatutuwa ang patuloy na pagtiwala ng Black Scoop Cafe sa lungsod, lalo pa't nakadaragdag ito sa pagbibigay ng trabaho sa mamamayan ng Lungsod ng Cotabato.


Dagdag pa nito, ang pagsuporta sa mga negosyo ng Lungsod ng Cotabato ang siyang sentro ng administrasyong para sa lahat dahil ito ang magsisilbing matibay na pundasyon sa patuloy na pag-unlad ng Cotabato City.




2 views0 comments
bottom of page