Isinagawa ang Gender Sensitivity Training for GAD Committees of Cooperatives sa Las Hermanas Restaurant, Sinsuat Avenue, Cotabato City.
Patungkol ito sa usapin na nakapaloob sa pinagkiba ng Sex at Gender. Layunin nitong payamanin ang kamalayan ng mga Cotabateno sa mga pagbabagong nangyayari sa ating komunidad. Kabilang dito ang mga usapin patungkol sa Gender Bias, Anti-Sexual Harassment Act of 1995, The Republic Act No. 11313 or The Safe Spaces Act (Bawal Bastos Law) of 2019 at Human Immunodeficiency Virus (HIV).
Sinabi naman ni Mayor Para sa Lahat Mohammad Ali “Bruce” Dela Cruz Matabalao na lumahok ang mga Gender and Development (GAD) Focal Point System Members upang madagdagan ang kanilang kaalaman at mas magampanan nila ang kanilang tungkulin para sa Cotabatenos.
Comments