top of page

ORIENTATION OF FRONTLINE SERVICE PERSONNEL ON REPUBLIC ACT NO. 11032


Dinaluhan ng mga department heads ng Cotabato City Government ang isinagawang Orientation of Frontline Service Personnel on Republic Act No. 11032 ngayong araw, May 11, 2023 sa People’s Palace, Rosary Heights 10, Cotabato City.


Isa itong batas na naglalayong mas mapadali at mapabilis ang pagpoproseso ng mga dokumentong mula sa gobyerno. Ayon sa batas, ang bawat department heads ang responsible sa pagtutupad ng layunin ng batas sa pamamagitan ng pagpapaskil ng tamang paraan ng pagproseso ng dokumento sa kanilang mga opisina o government websites.




Ayon naman kay City Mayor Representative Atty. Nes Biruar Lidasan, ito ang kauna-unahang seminar patungkol sa naturang batas. Gagawin ng Cotabato City Government na kaaya-aya ang pagproseso at tatanggalin ana ng red tape sa lungsod. Dagdag pa niya, dapat ay magsilbing kasama ng mga investors ang gobyerno at hind imaging hadlang, dahil ito lamang paraan upang maresolba ang kakulangan ng trabaho sa lungsod.


Nakalagay dapat dito ang mga kinakailangang papeles, daloy ng pagpoproseso ng mga ito, pangalan ng mga taong kanilang lalapitan sa bawat hakbang, timeline o panahon na kanilang gugugulin sa bawat hakbang, at mga kailangang bayaran ng mga aplikante na siyang nakasulat sa Ingles, Tagalog o ano mang lokal na dayalekto.


Ilan lamang ito sa kanilang mga napag-aralan sa isinagawang seminar alang-alang sa mga Cotabatenong nais na mas mapadali ang kanilang pag-aasikaso ng mga papeles. kalimitang reklamo ng ating mga kababayan ay ang nakakalitong proseso ng gobyerno, sa pamamagitan nito, ay maiiwasan na ang kalituhan at ma-eengganyo na ang ating mga kababayang asikasuhin ang kanling kinakailangan mula sa Cotabato City Government.


1 view0 comments

Comments


bottom of page