Kinilala at ginawad ng gobyerno ng Japan kay Mrs. Estelita Michiko Roales ang isa sa pinakamataas na parangal nito na "Order of the Rising Sun, Silver Rays" dahil sa paggugol ng halos buong buhay nito sa pagtulong sa kapwa Nikkeijin pagkatapos ng digmaan.
Isang residente ng Cotabato City si Mrs. Roales na nagsilbi bilang unang presidente ng Cotabato Nikkeijin Kai, isang asosasyon ng mga nagmula sa digmaang Japanese descendants.
Ang conferment of the order ay ginanap sa seremonya sa Japanese consulate sa Davao City noong Linggo, Marso 26 at sinaksihan ni Foreign Affairs Assistant Secretary Renato Pedro Villa, kasama ang pamilya ni Michiko.
Sinabi ni Yoshihisa na ipinaabot ng emperador ang kanyang pagpapahalaga kay Michiko para sa kanyang makabuluhang kontribusyon sa pagpapabuti ng kapakanan ng Nikkeijin sa Pilipinas, partikular sa rehiyon ng Cotabato.
Lubos naman ang ligayang pagbati na binigay ni Mayor Para sa Lahat Bruce Matabalao kay Mrs. Roales at kinilala ang karangalan ni Mrs. Roales na isang ehemplo sa kapwa niya Cotabateños.
“Ang karangalan ni Mrs. Roales ay isang patunay ng mga buklod ng pagkakaibigan at pakikipagtulungan sa pagitan ng ating mga mamamayan,” ani ni Mayor Matabalao.
Comments