Binuksan na ni Vice President Sara Duterte-Carpio ang Office of the Vice President BARMM- Satellite Office Cotabato City ngayong umaga, ika-4 ng Hunyo 2023.
Layon nitong makapag-abot ng tulong at social services sa mga residenteng nakatira sa Bangsamoro Region.
Sa pamamagitan ng BARMM satellite office, hindi na kailangaing bumiyahe sa Metro Manila upang lumapit sa bise presidente. Maari nang makapagbigay ng tulong ang nakatalagang manager sa Bangsamoro.
Paliwanag pa ng OVP, ang mga satellite offices ay hindi itinayo sa bawat rehiyon ngunit sa mga piling lokasyon kung saan mabilis itong mapupuntahan ng mga taga-ibang mga lugar o isla.
Para naman kay Mayor Para sa Lahat Bruce Matabalao, ang desisyong pagpapatayo ng satellite office sa Cotabato City ay napakastrategic sapagkat hindi lamang sentro ng kalakalan ang lungsod ng Cotabato ngunit ng buong BARMM.
Comments