Sinimulan ang selebrasyon sa pagmamartsa ng mga bagong registered nurses mula sa Notre Dame University na siyang isinagawa upang ipagdiwang ang isa sa maituturing na milestone ng unibersidad dahil sila ay nasa ika-9 na puwesto sa best performing school sa buong bansa.
Nakamit ito ng NDU sa katatapos lang na Philippine Nurses Licensure Examination o PNLE, kung saan, 115 ang nakapasa mula sa unibersidad. At ng dahil dito, nakakuha ang unibersidad ng 96.64% passing rate na siyang naging basehan sa kanilang kasalukuyang puwesto bilang isang nursing school sa buong PIlipinas.
Ayon naman kay OIC-City Tourism Officer Ainee Rayanna Arumpac na siyang kinatawan ni Mayor Para sa Lahat Mohammad Ali “Bruce” dela Cruz Matabalao, ang nakamit na ito ng NDU ay isa lamang sa ebidensiya sa angking kakayahan ng mga Cotabateno.
Dagdag pa ng alkalde, nawa’y hindi rito magtatapos ang kanilang dedikasyon upang makamit ang pinakamataas na karangalan, ngunit magsilbing simula ng patuloy na tagumpay. Nakikiisa ang buong Cotabato City Government sa selebrasyon ng mga bagong registered nurses ng Cotabato City. to the ever compassionate and dedicated nurses of Cotabato City!
Comments