top of page
  • Writer's pictureAdmin

NEW BARANGAY CAPTAIN OF ROSARY HEIGHTS I ASSUMED POSITION


Opisyal nang nanumpa ng katungkulan bilang bagong Punong Barangay ng Rosary Heights 1 - PC Hill si Kap Rodrigo Aviles sa bisa ng Section 45 ng Republic Act No. 7160 sa alkalde ng Cotabato City, Mohammad Ali "Bruce" Matabalao sa Office of the City Mayor, People’s Palace ngayong hapon, March 28, 2023.


Kasama sa panunumpa ng bagong punong barangay ang iilang mga kagawad ng RH-1 pati na rin ang mga Deputy Mayors ng Lungsod ng Cotabato.


Ikinalulugod naman ito ni Mayor Matabalao, inaasahan din ng alkalde na gagampanan ni Aviles ang kaniyang responsibilidad bilang pinuno ng Rosary Heights I at laging uunahin ang kapakanan ng Cotabateños sa panahon ng pangangailangan.

3 views0 comments
bottom of page