top of page

MUDDY CUP CAFÉ OPENS


Nagkaroon ng masayang pagdiriwang sa Cotabato City sa pagbubukas ng Muddy Cafe, isang bagong kapehan na magbibigay aliw at kasiyahan sa mga mamamayan. Kasama sa pagdiriwang na ito ang pagsali ni Cotabato City Tourism Officer Ainee Rayanna Arumpac, na nagbigay ng suporta sa bagong negosyo.




Ayon kay Toursim Officer Arumpac, ang pagbubukas ng mga negosyo tulad ng Muddy Cafe ay nagbibigay daan para sa pag-unlad at paglago ng ekonomiya ng Cotabato City. Binibigyan nito ng pagkakataon ang mga lokal na residente na magkaroon ng mapagkakakitaan, na nagpapalakas sa kabuhayan ng komunidad.


Dagdag pa niya, ang paglago ng mga negosyo ay nagbibigay ng dagdag na atraksyon sa turismo ng lungsod. Dahil dito, mas nagiging atraktibo ito para sa mga turista at dagdag kita rin para sa industriya ng turismo.


Ang Muddy Cafe ay isa sa mga halimbawa ng pag-unlad at pagsulong ng negosyo sa Cotabato City, na patunay na bukas ang lungsod para sa mga oportunidad at pagnenegosyo. Pinapakita nito ang tiwala ng mga mamamayan at negosyante sa potensyal ng Cotabato City bilang isang mapagkakakitaan at makulay na destinasyon.



2 views0 comments

Comments


bottom of page