top of page
  • Writer's pictureAdmin

MSSD DISTRIBUTES ASSISTANCE TO DIFFERENT BARANGAYS IN COTABATO CITY



Humandog ng tulong ang Ministry of Social Services and Development sa ilalim ng pamumuno ni Minister Atty. Raissa Jajurie sa iba’t ibang barangay sa Lungsod ng Cotabato na siyang isinagawa kahapon, May 18, 2023.


Katuwang ng MSSD ang Office of the Social Welfare and Development ng lungsod sa pamamahagi ng assistance para sa mga lubos na nangangailangan. Malaki naman ang pasasalamat ng mga benepisyaryo sa tulong na inihandog sa kanila ng Bangsamoro Government.



Malaki rin ang pasasalamat ni Mayor Para sa Lahat Mohammad Ali “Bruce” Dela Cruz Matabalao sa MSSD at OSWD dahil sa inisyatibo at magandang serbisyong publiko na inihahatid nito sa mga Cotabatenos.


Aniya, hindi niya magagawa nang siya lamang ang pagpapabuti ng kalidad ng buhay ng mga residente ng Cotabato City, kung kaya’t malaking tulong para sa kaniyang administrasyon ang pagganap ng bawat opisina at departamento ng kanilang tungkulin, alang-alang sa ikabubuti ng bawat Cotabateno.

3 views0 comments
bottom of page