Sa pangunguna ng Cotabato Light and Power Company sa ilalim ng Aboitiz Group, ay nailunsad ang Pinasbilis Project sa People's Palace, Cotabato City ngayong araw, July 12, 2023 na siyang kauna-unahang isinagawa sa Mindanao.
Ang Pinasbilis Project ay alinsunod sa kagustuhan ng Anti-Red Tape Authority (ARTA) na naglalayong gawing efficient ang mga government workers tungo sa pagiging bihasa sa paggamit ng computers at iba't ibang digital softwares.
Dahil dito, magiging digital na ang operation ng Cotabato City Government at mas magiging mabilis at epektibo na ang paghahatid nito ng serbisyo. Mas mataas na satisfactory rate of service ang nais na makamit ng administrasyong para sa lahat kung kaya't nakipagtulungan ang Cotabato City Local Government Unit sa Aboitiz Group.
Ayon kay Mayor Para sa Lahat Mohammad Ali "Bruce" dela Cruz Matabalao, ang hakbang na ito ay alinsunod sa adhikain ng kaniyang administrasyon na mapabilis ang kanilang serbisyo, lalong-lalo na sa nalalapit na pagbubukas ng command center ng lungsod. Mas magiging progresibo at mas mararamdaman na ang pagbabago sa lungsod sa panahong matatapos na ang naturang proyekto sa lungsod.
Ang signing ng Memorandum of Agreement (MOA) ay nagsisilbing katibayan ng dedikasyon ng Cotabato City Government at ng Cotabato Light and Power Company na maisakatuparan ito tungo sa mas marami pang kooperasyon at mas epektibong pagbabago ng Cotabato City.
Comments