Nagkapirmahan na sa pagitan ng Ministry of Transportation and Communications – Civil Aeronautics Board of the Bangsamoro sa pangunguna ni Minister at Member of Parliament (MP) Atty. Paisalin P. tago, CPA at Cotabato City Government sa ilalim ng administrasyon ni Mayor Para sa Lahat Mohammad Ali “Bruce” dela Cruz Matabalao na siyang isinagawa ngayong araw, August 4, 2023 sa People’s Palace Lobby, Cotabato City.
Ibinahagi ni Atty. Roslaine L. Macao-Maniri, Director General, MOTC-CAB ang kahulugan ng Memorandum of Agreement Signing Ceremony na ito. Ang pagpirma ng Cotabato City Government sa kasunduan ang magsisilbing hudyat sa kanilang ahensiya na maisagawa ang kanilang mga tungkulin na siyang nakasaad sa Bangsamoro Organic Law.
Nagsisilbi rin itong testimoniya sa patuloy na pagpapatibay ng relasyon at kooperasyon sa pagitan ng Cotabato City -Local Government Unit (LGU) at ng Bangsamoro Government tungo sa paghahatid ng serbisyo-publiko para sa lahat.
Comentários