Pormal na sinimulan ang Security Plan Workshop para sa Security Plan ng Cotabato City sa ngayong araw, 16 May 2023 sa People’s Palace, Cotabato City.
Layon ng workshop na mas palakasin ang ugnayan ng City PNP, Philippine Marines, Public Safety Office, National Intelligence Coordinating Agency (NICA-BARMM), National Bureau of Investigation (NBI) at komunidad, upang maitaguyod ang mga stratehiya sa organisasyon sa pamamagitan ng pagkakaisa para sa mas maagap na pagtugon sa anumang banta ng kriminalidad, insurhensiya at terorismo sa tulong ng komunidad at City Government of Cotabato.
Ang workshop ay sumasaklaw sa iba't ibang paksa tulad ng mga firearms and security risks, threat assessment, case tracking and status of targeted threats, security strategies, defense measures at communication operations.
Sa pangunguna ni Mayor Matabalao, sinabi niya na kapag natapos na ang workshop, ilalantad ng mga opisyal ang security plan na gagabay sa deployment of personnel and resources, partikular sa gaganaping BARMM Athletic Association (BARMMAA), Araw ng Cotabato at Barangay Elections.
“We want to erase the culture of fear and we have succeeded, and we would like to send a message to those not residing in Cotabato City that our City is peaceful and nothing to be feared of,” bigay diin ni Mayor Matabalao.
Isa sa mga mithiin ng workshop ay ang paigtingin ang checkpoint operations para matiyak ang kaligtasan at seguridad ng lahat ng Cotabateños. Bukod dito,
magsasagawa ng regular na inspeksyon at mobile patrols ang PNP, Marines, at Public Safety upang matiyak ang maximum na presensya ng mga military and uniformed personnel (MUP) sa mga mataong lugar tulad ng mga bus terminal, airport at iba pang transport hubs sa lungsod.
Dagdag pa ni Mayor Matabaalao, "I want to remind everyone that peace and order should be our top priority.
Let us all work together to make Cotabato City a safe and secure PARA SA LAHAT.”
Comments