top of page

MEDICAL MISSION PARA SA LAHAT


Higit 1,000 Cotabatenos ang nakatanggap ng libreng serbisyo sa pangangalagang pangkalusugan sa pamamagitan ng dalawang araw na programang medikal na misyon ng Lungsod ng Cotabato.


Ang medical mission, na kilala bilang "Medical Mission Para sa Lahat" ay isa sa mga programa para sa 64th Araw ng Cotabati na pinangunahan ng Office of City Health Services, sa pakikipagtulungan ng Cotabato Regional and Medical Center (CRMC) at Project TABANG ng BARMM, na naglalayong tugunan ang kalusugan at pangkalusugan na pangangailangan ng mga Cotabateños.


Sa naturang aktibidad ay nakatanggap ang humigit kumulung 800 na benepisyaryo ng serbisyong medical tulad ng medical and dental check-up, kasabay din nito ang pamimigay ng libreng gamot.


"Nakapagpa-check up na kami ng libre, nabigyan pa kami ng maintenance at gamot na kinakailangan namin. Sana ipagpatuloy ito Mayor Bruce kasi malaking ginhawa ito lalo na sa aming mga mahihirap,” sabi ng isa sa mga benepisyaryo.



2 views0 comments

Comments


bottom of page