top of page
  • Writer's pictureAdmin

MEDICAL MISSION NG KOOPERATIBA PARA SA LAHAT NG BUNTIS AND TODDLERS AT THE PEOPLE'S PALACE


Isinusulong ng Cotabato City Government at ng Small and Medium Cooperatives ang medical mission para sa mga buntis at toddlers na isinagawa sa People's Palace Lobby ngayong araw, October 18, 2023.


Kasabay ito sa pagdiriwang ng 2023 National Coop Month Celebration na naisakatuparan sa pangunguna ng City Cooperative Office na siyang pinamumunian ni City Cooperative Officer Belen Tanghal.


Ang pagsisiguro ng kalusugan ng susunod na henerasyon ay ang tutulong sa Cotabato City na mapanatili ang tuloy tuloy na kaunlaran na kasalukuyan nitong natatamasa.


Kung kaya't buong buo ang suporta ni Mayor Para sa Lahat Mohammad Ali "Bruce" dela Cruz Matabalao sa aksyon na isinagawa ng mga kooperatiba sa lungsod.


Patunay ito na hindi uunlad ang isang lungsod kung di dahil sa inisyatibo ng bawat indibidwal, grupo, organisasyon o kooperatiba na maghatid ng serbisyo para sa lahat. Kung kaya't taos puso ang pasasalamat ng alkalde, bilang kinatawan ng bawat Cotabateños, sa tulong na naihatid ng mga ito at sa patuloy na suporta, para sa ikakaunlad ng lungsod.



1 view0 comments
bottom of page