Isinigawa noong gabi ng ika-29 sa buwan ng Agosto, taong kasalukuyan ang Mayor’s Night Cum Cultural Presentation and Fellowship sa People’s Palace Lobby na siyang dinaluhan ng mga opisyal mula sa ibang bansa at ng mga alkalde ng mga lungsod at lalawigan ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM).
Ang mga bisitang nagmumula sa Brunei, Indonesia at Malaysia ay naparito sa lungsod para sa Forum on Brunei, Indonesia, Malaysia and Philippines – East ASEAN Growth Area in BARMM: Opportunities for Empowering Minority Communities. Nagsilbi rin itong pagkakataon upang maipakita ang Cotabato City bilang Crown Jewel of the Bangsamoro Region.
Layunin nang naturang okasyon ay hindi lamang pagpapakita ng natatanging kultura ng Cotabato City at ng Bangsamoro Region, ay kundi magkaroon ng isang makabuluhang usapin sa sabay-sabay na pagpapalago ng mga bansang nakilahok sa nasabing okasyon.
Sa kasalukuyang panahon, mas mainam na patibayin ang mga relasyong naitatag na sa ibang bansa dahil mas mapapabilis ang pag-unlad kung tayo ay magtutulungan.
Ang kakulangan na mayroon ang isang bansa ay maaaring punan ng bawat miyembro ng organisasyon na siyang kalaunan ay maghahatid sa atin tungo sa progresibong pagbabago.
ความคิดเห็น