Isinagawa ang Mandatory Training on Fundamentals of Cooperative noong Lunes, June 26 hanggang noong Martes, June 27, 2023, sa Cotabato State University, Sinsuat Avenue, Cotabato City.
Sentro ng naturang training ay ang pagbibigay halaga sa paghahatid ng impormasyon sa mga responsibilidad ng bawat miyembe sa isang kooperatiba at kung anong mga serbisyo ang maaaring makuha ng bawat miyembro nito tulad ng loans and dividends na siya naman nakadepende sa polisiya ng kooperatiba.
Ang mga miyembro ay mga educator ng Cotabato State University na nais mabigyan ng linaw patungkol sa kung papaano nila magampanan ang kanilang tungkulin bilang isang miyembro. Nagsimula ang naturang kooperatiba noong 2011 at mula sa pagiging small ay sila na ay naging isang medium size cooperative.
Sa pamamagitan nito ay mas magiging matatag pa at mas magiging efficient ang kanilang kooperatiba. Makatutulong rin ito upang kanilang masuportahan ang kanilang patuloy na lumalaking organisasyon at mas makapaghatid pa ng serbisyo sa mas marami pang mamamayan.
Comentários