Isinagawa noong August 15, 2023 ang kauna-unahang Local Health Board Meeting ng taon sa CNX resto na siyang dinaluhan ng mga department heads ng Cotabato City Government na siyang namang pinasinayaan ni City Administrator Abdulwahab Midtimbang.
Layunin ng nasabing pagpupulomg ang Presentation and Discussion Proper ng Reconstitution of the Local Health Board na siyang isinalaysay ni Assistant City Legal Officer Atty. Francisco L. Gepte Jr. ibinahagi naman ni Administrarive Officer V Stephanie S. Solano ang Summary of Local Health Plans na siyang ipapatupad sa
Cotabato City.
Naroroon din si City Health Officer Marlow O. Niñal, MD, PHSAE upang ilathala ang Propposed Devolution Transition Plan. Ibinahagi naman ang Start Up Operations ng kauna-unahang Dialysis Center ng lungsod sa pangunguna ni Planning Officer IV Lourdes P. Fernandez. Ang mga estado ng mga kasalukuyang Health Programs ay isiniwalat naman nina Bailinang P. Candao RN, Nutrition Program Coordinator at Imraida I. Malang, RN, Anti-Smoking Program Coordinator.
Comentários