top of page

LOCAL GOVERNMENT UNIT FELLOWSHIP PROGRAM ON SOCIAL COHESION AND RESILIENCE LOCAL POLICY DEVELOPMENT


Matagumpay na isinagawa ng Galing Pook Foundation, The Asia Foundation (TAF), Australian Aid, at Department of Interior and Local government (DILG) and dalawang araw na LGU Fellowship Program on Social Cohesion and Resilience Local Policy Development sa Luxent Hotel, Quezon City.


Kabilang sa mga kalahok sina Cotabato City City Mayor Para sa Lahat Bruce Matabalao, Secretary to the Sangguniang Panlungsod Yeofemia Go-Lizada at City Information Officer Bea Almoite. Kasama rin ang iba pang mga LGU sa BARMM: Maguindanao del Sur, Lanao del Sur at Basilan.




Layunin ng fellowship ng foster shared learning sa mga LGU sa pagbuo ng cohesive and resilient communities upang maiwasan ang marahas na ekstremismo.


Inaasahan naman na makakabuo ang Cotabato City ng isang ordinansa patungkol sa social cohesion at resilience local policy development na tutuon sa pagpapalakas ng mga network at kilusan ng iba't ibang organisasyon sa lungsod upang matiyak na ang mga lokal na komunidad, partikular na ang mga kababaihan at mga kabataan, at mga marginalized na grupo, ay makikinabang sa higit na pagkakaisa sa lipunan at pinabuting katatagan ng komunidad sa Lungsod ng Cotabato.



1 view0 comments

Comments


bottom of page