top of page

LARO’T SAYA PLAYED AT COTABATO CITY CHILDREN’S PARK


Kapansin-pansin ang kasiyahan sa mga mukha ng kabataang nakilahok sa isinagawang Laro’t Saya na siyang naisakatuparan sa pamamagitan ng kooperasyon sa pagitan ng Cotabato City Government at ng Bangsamoro Sports Commission na siyang isinagawa ang ikalawang araw nito sa Children’s Park, Rosary Heights 10, Cotabato City.


Upang masiguro na magkaroon ng makabuluhang laro ang mga kabataan, nangasiwa ang mga beteranong manlalaro nang sagayon ay mahasa ang kanilang angking galing sa larangan ng Baseball, Sepak Takraw, Karate, at Volleyball.


Sina Ariel M. Olivo, Yashier T. Hadji Kasan, Johnwel Potenciano, Saudi A. Upahm, Omar Aykkhom, Yev Geny M. Maliga, Acmad M. Montañer, Efren Yoshinori D. Lim at Joseph Berredo ay ang mga kinuhang beterano upang makapag-ensayo nang maigi ang mga kabataang lumahok.



Iilan sa kanila ay mga coaches ng mga manlalarong lumalahok sa Palarong Pambansa at naging tanyag ang kanilang mga pangalan dulot na rin ng kanilang angking husay. Naging posible ito dahil sa dedikasyon ng mga opisyal ng Bangsamoro Government at ni Mayor Para sa Lahat Mohammad Ali “Bruce” dela Cruz Matabalao na mabigyan ng pagkakataon ang bawat kabataan na makakuha ng kaalaman mula sa mga bihasa at maranasang makalaro hindi lamang sa regional kundi maging sa national level.

9 views0 comments

Comments


bottom of page