Nagdaos nang job fair ang Public Employment Service Office (PESO) ngayong araw, bilang pagdiriwang ng Araw ng Paggawa o Labor Day.
Ito’y upang mabigyan ng pagkakataong magkaroon ng trabaho at mapagkukunan ng ikabubuhay ang mga residente ng lungsod.
“Tayo po sa Cotabato City, gusto po natin hindi lang ang panandaliang ayuda, gusto natin ay pangmatagalang tulong, at itong mga trabahong ibibigay po natin at makukuha po ng ating mga kababayan ay napakalaking bagay para sa kanilang pamilya,” ayon kay PESO OIC, Marilou Antonio, sa kanyang talumpati sa job fair na isinagawa sa People’s Palace.
Kabuuang 15 kompanya ang nakibahagi sa natu¬rang job fair, kabilang
ang mga sumusunod:
1. KCC MALL OF COTABATO 2. LAMSAN 3. KFC COTABATO 4. GOLDILOCKS 5. MCDONALDS 6. SUPERAMA EXPRESS 7. CITI HARDWARE 8. LBC 9. J&T EXPRESS 10. JOLLY MANAGEMENT 11. INFINITEA 12. VXI GLOBAL HOLDINGS 13. MANULIFE 14. AICE COTABATO 15. DR P. OCAMPO COLLEGES
Comentários