top of page

KASALANG BAYAN FOR THE 64TH ARAW NG COTABATO


Isinagawa ang Kasalan ng Bayan noong June 19, 2023 para sa 64th Araw ng Cotabato na siyang ginanap sa People’s Palace Lobby, Rosary Heights 10, Cotabato City na siyang pinasinayaan mismo ni Mayor Para sa Lahat Mohammad Ali ‘Bruce” Dela Cruz Matabalao.


Naghatid ng pagpugay ang alkalde sa 21 couples matapos maging ganap na mag-asawa ang bawat pares sa kanila. Mensahe ni Mayor Para sa Lahat Matabalao sa kanila na nawa’y maging matibay ang bawat isa sa kanila dahil ito ang simula ng kanilang buhay bilang isang ganap na pamilya sa mata ng Diyos at batas.






Napuno ng hiyawan at kilig ang buong Cotabato City Government mula sa mga manonood sa loob ng People’s Palace. Binabati ng lahat ng kawani at opisyal ng administrasyong para sa lahat ang mga bagong kasal at nawa’y inyong ipalaganap ang pagmamahal at kapayapaan sa buong Cotabato City.

1 view0 comments

Comentarios


bottom of page