Layunin ng pagbisita ng mga opisyal mula sa Japan International Cooperation Agency (JICA) na personal na mailathala kay Mayor Para sa Lahat Mohammad Ali “Bruce” dela Cruz Matabalao ang mga isasagawa nilang development research at projects na siyang naisagawa ngayong araw, November 14, 2023 sa People’s Palace, Cotabato City.
Isa na rito ay ang pagsusuri sa maaaring pagpapatayo ng Water Treatment Facility na siyang magmumula sa Tamontaka River na siyang mapapakinabangan ng 25,000 katao o 5,000 mga pamilya sa Cotabato City. Ang phase 1 ng proyekto ay maaaring matamasa ng mga residente ng Tamontaka 1, Tamontaka 2, Mother Barangay of Tamontaka at Tamontaka 4.
Nagbigay naman ng suhestiyon ang alkalde na maaari nilang idagdag ang mga barangay ng Rosary Heights 9, Poblacion 8 at Kalanganan 2 dahil ang mga barangay na ito ay kasalukuyang nakararanas ng kakulangan ng daloy ng tubig. Inaasahan namang sa panahon na ito ay maaprubahan ng Japanese Government ay magsisimula ang konstruksyon nito sa 2025.
Habang isinasagawa naman ang pag-aaral sa Water Treatment Facility, kumikilos na ang isa pang grupo mula sa JICA para naman sa Master Plan ng Cotabato City ng isasagawang Drainage System na siya namang ipepresenta sa buwan ng Disyembre. Ang makukuhang datos ay siyang magiging pundasyon sa kung papaano bubuuin ang kabuuang drainage structure ng lungsod upang mas mabisang masolusyonan ang problema sa pagbaha.
Napag-usapan din ang Solid Waste Management ng Cotabato City na matagal na pinoproblema ng lokal na pamahalaan. Ayon sa alkalde, hinihintay na lamang ang sagot ng Ministry of Environment, Natural Resources, and Energy (MENRE) nang sagayon ay masimulan na ang operasyon ng Sanitary Landfill ng Cotabato City na siyang mapapakinabangan sa loob ng 25 taon.
留言