top of page
  • Writer's pictureAdmin

IPOPHIL ORIENTATION AT SARDONYX PLAZA, COTABATO CITY


sinagawa kahapon ang orientation patungkol sa Intellectual Property Office of the Phlippines o IPOPHIL na siyang dinaluhan ng mga kawani ng Cotabato City Government at ilang mga prominenteng negosyante ng hindi lamang ng Cotabato City kundi ng Bangsamoro Region.


Ang gampanin ng naturang opisina ay maprotektahan at marehistro ang mga nilikha, naisip o nabuo ng isa o grupo ng mga tao laban sa panggagaya o pagnanakaw. Sa pamamagitan nito, mas mahihikayat ang ating mga negosyante o imbentor na mas bumuo pa ng mga ideya sa kadahilanang protektado sila.


Ang orientation na ito ay pinangunahan ng Negosyo Center ng Lungsod ng Cotabato na siya mismong naghahatid ng serbisyo patungkol sa Intellectual Porperty at pagpaparehistro tulad ng inyong trademark o logo. Sa mga nais malaman ang proseso, dumulog lamang po tayo sa Negosyo Center sa loob ng People’s Palace.

2 views0 comments
bottom of page