Isinagawa noong, July 27, 2023 ang groundbreaking ceremony ng Contsruction of Multi-Purpose Learning Center sa ilalim ng Transitional Development Impact Fund (TDIF) – 2022 na siyang itatayo sa Cotabato State University.
Niasakatuparan ito sa inisyatibo ni Member of Parliament (MP) Hon. Dr. Susana Salvador Anayatin na siya namang napabilang bilang isa sa mga proyekto ng Bangsamoro Autonomous Region in Muslim Mindanao (BARMM) Government.
Isa lamang ito sa mga kasalukuyang itinatayo at isinasaayos sa loob ng unibersidad. Ang pagpapaganda ng mga pasilidad, pagdagdag ng mga ito at pagsasaayos ng mga gusali ay isinasagawa upang masiguro na ang bawat estudyanteng papasok sa unibersidad ay makakakuha ng dekalidad na edukasyon.
Comments