top of page

GIS STATION AT NBS PROJECTS: BAGONG KABANATA NG TEKNOLOHIYA AT KAUNLARAN SA COTABATO CITY


Isang makasaysayang pangyayari ang naganap ngayong gabi sa isinagawang Signing of Deed of Donation para sa Geographic Information System o GIS Station at Natural-Based Solutions o NBS Projects. Sa pangunguna ng President at Chief Executive Officer ng Catholic Relief Services (CRS) na si Sean Callahan, kasama si Mayor Para sa Lahat Bruce Matabalao, ang lungsod ng Cotabato ay nagbukas ng bagong yugto ng pagbabago at makabuluhang progreso.


Sa isang pormal na seremonya, ipinahayag ang kahalagahan ng integrasyon ng makabagong teknolohiya at ang kahandaan ng komunidad sa pagsulong ng kapasidad sa pamamahala ng likas na yaman, urbanisasyon, at agarang pagtugon sa iba't ibang pangangailangan. Binigyang-diin ni EnP Engr. Maria Adela A. Fiesta, City Planning and Development Officer, na ang GIS Work Station at ang USAID-CRC NBS Projects ay magiging mahalagang instrumento sa edukasyon at pagpapalawak ng kaalaman ng mga Cotabateño.


Ang pormal na paglagda sa nasabing kasulatan ay sumisimbolo sa matibay na alyansa at pangakong pakikipagtulungan ng Lungsod ng Cotabato at ng Catholic Relief Services para sa mas matatag at teknolohikal na maunlad na kinabukasan. Ang hakbang na ito ay pagpapatunay ng dedikasyon ng Cotabato City sa pagtahak sa landas ng napapanatiling kaunlaran at mas liwanag na bukas.


Itinatanghal ang pangyayaring ito bilang isang kritikal na hakbang sa patuloy na pag-unlad ng Cotabato City, at isang pagdiriwang sa mga bagong oportunidad na dala ng GIS Station at NBS Projects para sa lahat ng mga mamamayan ng Cotabato.



5 views0 comments

Comments


bottom of page