Pormal na binuksan ng Ministry of Environment, Natural Resources and Energy (MENRE) ang kanilang Executive Building kasabay ng Ambient Air Quality Monitoring Station.
Pinangunahan ni MENRE Minister K. Akmad Brahim ang nasabing aktibidad kasama ang iba pang opisyal ng BARMM. Ipinahayag din ni Mayor Bruce Matabalao ang kanyang pagpapasalamat sa magandang samahan at sa pagsusumikap na mapanatili ang kagandahan at kalinisan ng kapaligiran para lungsod ng Cotabato.
Kasama rin sa aktibidad sina City Administrator Abdulwahab Midtimbang at CENRO Officer Engr. Crisanto Saavedra.
Ang kanilang pagdalo ay nagpapakita ng suporta at pagkilala sa kahalagahan ng proyekto para sa kalikasan at kapakanan ng komunidad. Ipinapakita nito na sama-sama ang lahat sa layuning mapanatili ang kagandahan at kalinisan ng kapaligiran para sa kabutihan para sa lahat.
Naging makasaysayan ang araw na ito para sa MENRE BARMM kasabay ng paglulunsad ng mahalagang pasilidad na ito na magbabantay at magpapakita ng kahalagahan ng kalidad ng hangin sa Bangsamoro Region. Itinatampok ang dedikasyon at pagsisikap ng Bangsamoro sa pangangalaga at pagpapabuti ng kalagayan ng kapaligiran.
Sa pagtataguyod ni Minister Brahim, patuloy na tututukan ng MENRE ang mga proyekto at programa na maglalayong mapanatili at mapabuti ang kalidad ng kapaligiran sa Bangsamoro.
Ang pagpapatayo ng istasyon at executive building ay isang hakbang tungo sa mas maayos at modernong serbisyo para sa kapakanan at kalusugan ng mamamayang Bangsamoro.
Kommentare