Natupok ng apoy ang mga kabahayan ng ilang Cotabatenos kahapon, July 6, 2023 sa Poblacion 7, naging pahirapan pa ang pagresponde dahil sa makitid na daan at mabilis na pagkalat ng apoy dahil yari sa light materials ang mga kabahayan sa naturang lugar.
Tinungo ng mga kawani ng Office of the City Social Welfare and Development Officer (OCSWDO) mula sa Cotabato City Government ang mga biktima ng nasunog upang hatiran ng tulong. Isinagawa ito sa Datu Siang Central School at isa-isang nilista ang mga ito upang matiyak kung ilang mga indibidwal at pamilya ang naapektuhan.
Itinitayang umabot sa ₱600,000 ang halaga ng mga natupok na kabahayan at hanggang ngayon ay inaalam pa rin ang pinagmulan ng sunog. Nagpahatid na rin ng tulong ang iba’t ibang organisasyon sa mhga nabiktima ng sunog tulad ng bigas, tubig at mga kasuotan.
Comments